Japan: Day 0-1 Osaka Castle

20170831_092134.jpg

Day 0:

Sa airport NAIA Terminal 3, mahabang pila here, pila there, pila everywhere. Una sa travel tax, then check-in at Cebu Pacific, then immigration, and pati sa Tapa King pila padin? (Nagutom kami. Kailangan kumain kasi mahal ang food sa airplane at gabi pa ang dating namin sa Osaka Japan.)

Alas otso ng gabi ang arrival. Galing sa Kansai Airport nag bus kami papunta ng Namba or Nanba station (ewan ko ba iba iba ang spelling nila eh). From Namba naman nag subway train kami papunta sa Daikoku station kung saan walking distance nalang ang AirBnB namin. (May tour kami ng place na pinagstayan namin, please watch the video below.) May malalapit na 24 hour convenience stores sa area like Family Mart at Lawson katumbas ng 7/11 satin pero mas maraming choices. We just grabbed some food for dinner that night and for breakfast the following day.

Day 1:

First stop is Osaka Castle. First Japanese Castle na napuntahan namin. Hindi na kami pumasok sa loob kasi entrance fee and we are not sure kung maappreciate namin kasi parang museum sya. Instead we just enjoyed the sceneries and checked out the shops and souvenir stores around the area. May mga food stalls din at food trucks doon so hindi ka magugutom (may kamahalan lang ang presyo.) We tried the Kobe beef skewers na nagkakahalagang 800 yen, estimate natin na 400 pesos more or less. Masarap naman talaga at malambot, pero di ka mabubusog sa isang stick. Kumain din kami ng Takoyaki, nakalimutan ko na kung magkano. Sa drinks naman bumili kami sa vendo machine then after namin maempty yung bottle nagrefill kami ng tubig from a water fountain sa tabi tabi. Syempre kailangan din maging practical kesa bili ka nang bili, kailangan hydrated ka palagi pag nagtatravel ka at sobrang init parin ang weather doon kahit September na. Pinakamura na from a vendo machine is 100 yen, 50 pesos ganun. Super linis naman ng tubig nila and in general malinis talaga sa Japan.

Travel tip lang which I think mostly alam naman to, always bring first aid kit. Kahit yung basic lang kasi pack light nga di ba. First aid namin includes band aids, and some meds like paracetamol (for pain and fever), loperamide (or Imodium for diarrhea ganern! Alam mo na baka kung anu anu pagkakain mo in a foreign country, mabuti na ang ready.), meclizine (or Bonamine anti byahilo o motion sickness kasi nga travel travel travel.), at for girls naman hyoscine (or Buscopan for stomach cramps pag may period, alam mo na girl.) Yan lang mga essentials namin, pwede nyo dagdagan kung may nakalimutan ako or depende sa needs nyo. Fortunately naman di namin nagamit ang mga yon.

So, heres a vlog of our Day 1 part 1. Post ko next yung part 2. Thank you for watching. 🙂

 

Advertisements

Japan Japan 2017

Nagbook ng flight.

Nagbook ng accomodation via AirBnB.

Gumawa ng itinerary.

Nagprint ng bank statement.

Nagfill up ng form.

Nagpasa ng application.

Viola!

Matagal tagal ko din pinangarap makapagtour sa Japan, kaya pinush ko na to. Dahil resident kami dito sa Canada at dito kami kumuha ng visa madali lang ang proseso ng pagkuha ng Japan Visa (libre pag Philippine Passport).

Umuwi kami ng Pilipinas para magbakasyon. Tapos Japan for 8 days. Tapos balik ulit Pinas.

Kulang 1 month lang ang time na meron kami kaya hindi kami nakapasyal sa Pilipinas. Sobrang init tapos dalawang beses pang bumagyo during our stay sa Pinas. Sa Japan naman nasulit namin ang bawat araw. Nafulfill namin yung ginawa kong itinerary maliban sa Kyoto at Disneyland. Pero bitin parin at gusto ulit namin bumalik ni Marvi next time.

We survived Japan. Yay!

Eto ung simpleng montage ng trip namin. Thank you for watching. 😙😊

Yes, I Am An Introvert

Positive Outlooks Blog

Yes, I am an introvert. No, I’m not shy. No, I’m not stuck up. No, I’m not antisocial. I’m just listening. I’m just observing. I can’t stand small talk… But I’ll talk about life for hours. I’d rather be home with a close friend or two than among a crowd of acquaintances. Don’t scold me in public. Don’t embarrass me in public. Respect that I am reserved. And if I open myself up to you, know that means you’re very special to me. — Unknown

Man walking at sunset

View original post

Munting Milagro ng Pag-ibig

Husband: Good morning mahal ko, kamusta ka?

Wife: Okay lang po, napanaginipan kita!

Husband: Ano? Anjan na ako?

Wife: Oo! Bakit mo alam?

Husband: Eh kasi ganun din panaginip ko eh!

Title palang Boom Panes na diba!

Isang araw kaming di nakapagskype ng asawa ko dahil nawalan ng kuryente. May bagyo kasi sa Pilipinas, si Glenda. Signal no. 3 pa naman sa Bulacan kung saan nandoon ang asawa ko. Nandito naman ako sa isang kanluraning bansa kaya LDR ang peg namin. Araw araw kami kung magusap sa Skype, walang palya kaya ayan namiss namin ang isa’t isa. Ang OA lang noh? Ganoon kasi namin nasimulan ang relasyon namin, sweet, parang magbestfriend, super in love. Dapat consistent! Mahabang kwento sa loob ng 8 years.

Ngayon lang yata nangyari to na pareho kami ng panaginip at magkadugtong pa. Napanaginipan ng asawa ko na may visa na sya at sumakay na sya sa eroplano papunta dito. Ako naman ang panaginip ko kakadating lang nya dito at finally magkasama na kami. Nakakatuwa! Sa ngayon kasi ay nagaantay nalang sya ng visa kaya siguro ganoon ang takbo ng utak namin kaya naman napapanaginipan namin ang ganoon. Nakakamangha lang na nagkadugtong ang panaginip namin na bibihira naman mangyari. Coincidence man kung sabihin o dahil sa uri ng relationship namin na nagtutugma na ang mga elements ng utak namin, papahalagahan ko parin ito. Isang simpleng bagay na magpapangiti sa akin kapag maaalala ko iyon. Good vibes!

Ang bilis ng panahon. Last year lang nasa Pilipinas ako at nagaayos ng kasal namin. Ngayon, first anniversary na namin sa Agosto. At sana sa Disyembre andito na sya para naman di na malamig ang Pasko.

Kayo, naranasan nyo na ba ang managinip ng pareho o magkadugtong ang panaginip nyo ng isa pang tao?

xoxo, Elli

JOM_4662 

 

 

 

Ang Oras at Mga Simula

Ang mahabang paghihintay sa Sponsorship ng aking asawa. Sana ay maging maayos lahat.

Ang  Undecided  Slow Moving Career Moves at pagtupad ng mga pangarap.

Ang mga Obrang nais Likhain.

Mga Kwentong ibig sabihin.

Litratong gustong kuhanin.

Pelikulang papanuorin.

Patong patong na Librong babasahin.

Kursong aaralin.

Proyektong gagawin.

Balitang sisiyasatin.

Mga Taba na lulusawin.

Pawis na patutuluin.

Milyang tatakbuhin.

Daang tatahakin.

Perang iipunin.

Groceries na bibilhin.

Pinoy style Spaghetti na lulutuin.

Sapatos na kikinisin.

Mortal na kaaway na papatayin.

Ay ang daming  gagawin!

53H

#nojudgment 8 Things You Should Never Be Ashamed Of

Typical Blogger

By May June

Our society is full of artificial norms and fake standards. Whatever is attractive is whatever you’re not. Whatever is normal is whatever you’re not. Whatever is popular is whatever you’re not.  Whatever is ideal is whatever is impossible.

Despite this, people are going to judge. You can’t stop them. But you can stop caring. Instead of worrying what others are going to think, embrace your quirks and guilty pleasures.

Surround yourself with people who love you for who you are and screw the haters. You should never have to start a sentence with, “No judgment, but…”

Be unique. Be spontaneous. Be free. If you’re not going to be you, then who will?

To get you started, here are 8 things you should embrace and never have to hide. Enjoy!

View original post 534 more words

A Cup of Tea

Our order of tea from David’s Tea has arrived!Image

Last black Friday, my Mom and I were walking around the mall looking for things on sale and we passed by a free taste offer of tea from David’s Tea. The lady gave us a little cup each of Chocolate Chilli Chai tea. We got the tea clear with nothing in it. The smell is of a strong chocolate aroma. Sipping the tea gave off a crisp and clean taste to the palate with a subtle bitter taste and it’s not spicy at all. First of, I don’t know much about teas, but I’m a fan of Green tea which I drink every single day for the past 11 months. That is because I believe Green tea helps boost your metabolism and good for people who are trying to lose weight. There were other teas that I’ve tried as well, like English Breakfast, White Pomegranate, Honey Lemon, and Peppermint. Basically my knowledge and experience with teas are very narrow.

It was on a cyber Monday that I tried checking out their site online and decided maybe we could try to steep it in our home and infuse the house with it’s chocolaty aroma! So I purchased 2 packs of 50g each of Chocolate Chilli Chai Tea. (I got too excited there! I just realized I could have gotten the other pack in a different flavour, oh well..) It costs only $14 and shipping was free since it’s a cyber Monday sale.

How exciting opening your parcel! It’s like Christmas!Image

Image

Buying at least two packs gets you a free tin! Yay!Image

With samples of 3 other flavours! Coffee Cake, Brazillionaire, and Kenyan Tinderet.Image

And it comes with a booklet of all the teas they offer. Image

This could be the start of my tea adventure! xoxo

Ang Avocado, Mi Paborito

Nahinog na din ang avocado dito sa bahay, matagal ko nang gustong kainin ito kaya lang ay hilaw pa, pero ngayon ay puede na! Yes!

Naala ko tuloy ang asawa ko, napakasweet nya sakin. Naglalakad kami nuon sa bayan ng Baliwag, mainit, tanghaling tapat. Sa paglalakad ay may nakita akong beki na nagtitinda ng shake na palamig, may avocado sya! Habang unti unti kaming papalapit sa kanya at nakatingin parin ako sa tinda nya na parang batang natatakam. Lumagpas na kami ng asawa ko, tapos sinabi nya sa akin, “gusto mo?” ,napatango nalang ako. Bumalik kami at ibinili nya ko ng isang avocado shake. Ang bait talaga ng asawa ko!

Ginawa na ng beki ang order ko, nilagay nya ang kalahating pisngi ng avocado, evaporated milk, at bago ko pa mapigilan ay nilagyan din nya ng isang damakmak na asukal. Napangiwi nalang ako sa dami ng asukal. Sa huli masarap naman ang finish product. Simula nuon ay lagi na akong naghahanap sa mga mall ng avocado shake.

May isang stall sa SM Baliwag na nagooffer ng mga juices at shakes na gawa sa mga prutas, ang Frutas! Isang araw ay nagtanong kami kung may avocado sila, wala daw. Kinabukasan ay sinubukan ulit namin, meron na sila pero isang piraso lang (hindi kasi in-season ang avocado at marahil kaunti lang ang bumibili ng flavor na iyon), kaya binili ko na. Nang sumunod na araw (Oo, araw araw nasa SM Baliwag kami, madalas nagkakape lang sa mcdo at chill lang.), wala na ulit sila avocado pero kinabukasan pagkatapos nuon ay meron na ulit sila. Marahil ay bumibili lang sila ng paisa isang stock ng avocado dahil sa akin. Hehe, ako na.

Ang totoo nagsimula akong magcrave sa avocado dahil sa iced candy na ganoong flavor na tinda ng pinsan ko.

At iyan ang kwentong avocado, sabi ko.Image